VIGAN CITY - Ipinarating ni Ilocos Sur Gov. Ryan Luis Singson ang kanyang buong paghanga sa lahat ng sumuporta sa probinsiya kasunod ng pananalasa rito ng bagyong ‘Mario’.

Lubos na pinasalamatan ni Singson sina Vice President Jejomar Binay at Senator Cynthia Villar sa kanilang agarang pagresponde.

Nagkaloob si VP Binay ng 5,000 pakete ng relief goods na agad na ipinamahagi sa probinsiya habang nagpadala naman ng helicopter si Sen. Villar.

Mismong si Singson at kanyang team ang nagdala ng relief goods sa bayan ng Sugpon at ininspeksiyon ang mga nasirang imprastruktura at agrikultura sa 14 na upland town.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Samantala, idineklara ni Singson ang Ilocos Sur sa ilalim ng state of calamity. Umapela siya sa gobyerno na agad ipalabas ang “province’s share of tobacco excise tax” na gagamitin sa pagrekober ng probinsiya. na aniya’y karamihan sa mga naapektuhan ay mananabako na nakatutok sa tobacco season ngayong Oktubre.

Mas sinalanta ang agrikultura na inabot ng P187 milyon ang pinsala kasunod ang imprastruktura na nasa P99.6 milyon, base sa partial reports na nakalap ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO).

Mula sa 768 barangay sa Ilocos Sur, 471 rito ang sinalanta at 53,102 pamilya ang naapektuhan. Kabuuang 663 bahay naman ang nawasak at 7,133 ang nagtamo ng pinsala.

Ilan sa hinihingan ng tulong ni Singson ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Office of the Civil Defense (OCD), Philippine Army (PA), Philippine National Police (PNP) at iba pang public at private groups.

Pinasalamatan din ni Singson ang tulong nina Ilocos Representatives Ronald Singson at Eric Singson para sa mga binagyo.

Isa na sa pinasalamatan ni Singson si Rep. Ronald, na mismong nag-operate ng ilang heavy equipment ng kanilang kumpanya sa paglilinis ng national highway sa mga bayan ng Bantay at San Ildefonso.