Iniuwi ng Pilipinas ang nag-iisa nitong panalo sa quarterfinals ng 17th Asian Games basketball competition kontra Kazakhstan, 67-65, subalit hindi ito sapat para sa kailangan nitong iuwing 11 puntos na kalamangan para agawin ang isa sa dalawang kailangang puwesto sa Group H.

Hindi napangalagaan ng Gilas ang itinala nitong 18 puntos na abante sa ikatlong yugto, 50-32, upang tuluyang mapatalsik sa karera para sa medalya.

Huling itinala ng Gilas ang 55-39 iskor sa pagsisimula ng huling na yugto subalit unti-unting umatake ang Kazakshtan upang pigilan ang Pilipinas na makamit ang anumang pagkakataon na makaagaw ng silya sa semifinals.

Nagawa pang ibalik ng Gilas sa kailangang 11 puntos ang abante, 65-51, subalit hindi nito napigilan ang kalaban sa paghulog ng 14-0 atake patungo sa huling segundo upang tapusin ang kampanya sa 1-2 panalo-talong karta.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pinilit ng Pilipinas na itulak sa overtime ang laro matapos na ihulog ni naturalized player Marcus Douthit ang bola para itabla sana ang laro sa  67-all subalit hindi ito pinayagan ng mga opisyales.

Bagaman nanalo sa laban ay tuluyan nang nagpaalam ang Gilas para lumaban para sa anumang medalya sa torneo.

Pinakamataas na puwesto ng Pilipinas na maabot ay ikatlong puwesto sa Group H.

Pinamunuan ni Douthit ang Pilipinas sa tinipong 18 puntos habang may 11 puntos si Jimmy Alapag. Nag-ambag si LA Tenorio ng walo habang may 7 sina Japeth Aguilar at Jared Dillinger.