baletetree-copy-550x366

KALIBO, Aklan – Bagamat sinasakop na ang Aklan ng modernisasyon dulot ng patuloy na paglago ng turismo, hitik pa rin ito sa tradisyonal na mga paniniwala at tradisyon.

Ang mga paniniwalang ito ay patuloy na namamasdan sa Aklan at sa iba pang mga lalawigan sa bansa. Kung tayong mga Filipino ay naniniwala sa duwende, ang mga Malaysian sa mga genie, ang European countries ay naniniwala naman sa leprechauns.

Ayon kay Melchor Cichon, librarian ng University of the Philippines-Visayas, isa sa mga patuloy na pinaniniwalaan ng mga residente ng Aklan ang mga duwende at lamang-lupa.

National

Tinatayang 300,000 Pilipino, nakinabang sa 'Walang Gutom' program ng DSWD

“Kadalasang paniniwala ay kung mawala ang isang maliit na bagay sa isang bahay at nakikita naman ito pagkalipas ng ilang oras. Ito ang karaniwang pinaniniwalaang kinuha ng isang duwende o lamanlupa,” pahayag ni Cichon.

Nagsagawa naman ng pananalikisik ang mga opisyal ng National Museum sa Tigayon Cave sa bayan na ito at doon natuklasan ang mayamang tradisyon at paniniwala ng mga residente sa matagal nang panahon.

Ayon kay Giovanni Bautista, researcher ng National Museum, sa loob lamang ng apat na araw na paghuhukay sa kuweba ay nakakuha sila ng halos 30 kilo ng mga kagamitan sa makalumang tradisyon at paniniwala sa probinsiya.

Ang ilan sa mga natagpuan sa kuweba ay ang klase ng libingan noong sinaunang panahon bago pa ipakilala ang konsepto ng sementeryo. Karamihan sa mga nahukay ay mga buto ng tao, artifacts at seramiko.

“Nakita din namin ang bakas ng lumang paniniwala ng ‘pakimkim’ kung saan nagbibigay ng pabaon ang pamilya ng namatayan katulad ng telang puti at iba pa,” pahayag ni Bautista.

Patuloy pang pinag-aaralan ng mga taga-National Museum ang artifacts na kanilang nakuha sa paghuhukay.

Samantala, dahil sa hitik na tradisyonal na paniwala ng mga Aklanon, ginawa itong tourism attraction ng mga residente ng Balete, Aklan.

Ayon kay Councilor Patrick Lachica, isa sa organizers ng Enchanting Balete, kabilang ang kanilang bayan sa may pinakamaraming paniniwala hinggil sa mga lamang-lupa.

Noong September 24, sinimulan ang isang buwang selebrasyon ng kanilang Enchanting Balete Festival katulad ng fun run, Miss Enchanting Balete Pageant na ang tema ay mga diwata at iba pa.

“Nais naming i-highlight ang aming kultura ng paniniwala sa mga lamanlupa dahil naniniwala kaming puwede itong i-highlight bilang isang tourism attraction sa Aklan,” pahayag ni Lachica na isang artist.

[gallery ids="91982,91981,91980"]