MAIINIT na eksena ang mapapanood sa pagtatapos ng Sa Puso ni Doc, unang medical drama series sa bansa, ngayong gabi.

Pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Bela Padilla, tampok sa weekly series ang realidad sa estado ng pampublikong kalusugan sa Pilipinas.

Tinutukan ng marami ang umusbong na relasyon ng head resident doctor ng Melchora Aquino General Hospital na si Doc Dennis (Dennis Trillo) at ng baguhang doktor na si Doc Gab (Bela Padilla). Marami silang pinagdaanan sa pagharap sa mga krisis sa ospital, unti-unting naging malapit sa isa’t isa sina Doc Dennis at Doc Gab. Pero may balakid sa kanilang pag-iibigan dahil may kani-kaniyang nagmamahal na sa kanila. Hinaharap din nila ang malaking problema ng corruption sa ospital.

Sa huling gabi ng Sa Puso ni Dok, inaabangan ng kanilang mga tagasubaybay kung may pag-asa pa bang magkatuluyan ang dalawang bidang doktor. Susugod ang ina ni Doc Dennis nang malamang natutupok ng apoy ang Melchora Aquino General Hospital. Hahanapin ni Aling Gloria ang anak pero magiging mitsa ito ng panganib sa kanilang mag-ina.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sa pangyayaring ito, isang malaking desisyon ang kailangang gawin ni Doc Dennis na magiging dahilan ng tampuhan nila ni Doc Gab. Ito na kaya ang katapusan ng kanilang namuong pagtitinginan? May pag-asa pa kayang malutas ang mga problema sa ospital? At matapos ang mga naranasan nina Doc Gab at Doc Dennis sa ospital, sino kaya sa kanila ang mananatili para magsilbi sa mahihirap? Sino ang mangingibang-bansa?

Mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr., tampok din sa Sa Puso ni Dok sina Anita Linda, Menggie Cobarrubias, Maey Bautista, AJ Dee, Gigi Locsin, Stephanie Sol, Elijah Alejo, Flor Salanga, at Sunshine Teodoro.

Huwag palampasin ang maiinit na eksena sa huling yugto ng Sa Puso ni Dok 9:30 PM, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7.