Setyembre 28, 1978, nang maitala ng Car & Driver editor na si Don Sherman ang record-breaking Class E speed ng 183.904 miles per hour (294.25 kilometro kada oras) sa Bonnevilla Salt Flats sa Utah, United States, habang minamaneho ang Mazda RX7, na noon ay standard-bearer ng mga rotary engine sa Amerika.

Sa halip na karaniwang pistons, ang RX7 rotary engine ay may dalawang bilugang “rotor spins” para sa epektong flywheel sa makina. Bagamat hindi bagong konsepto ang rotary engine nito, nasolusyunan ng Mazda RX7 ang ilan sa reliability issue na problema ng ilang makina nang mga panahong iyon.

Sikat na sikat ang RX7 dahil ito ay may 1.1-liter, 105-horsepower engine kaya naman kumportableng imaniobra.

Lumaki sa Iowa, sinimulan ni Sherman ang pagbuo ng mga soapbox racer na may makina sa edad na 10, hanggang makapagaral siya ng mechanical engineering. Nagsulat din siya sa iba’t ibang magazine, gaya ng Popular Science, Sports Car International at Auto Restorer.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists