Bagamat nasisiyahan sa pansamantalang katahimikan ng buhay may pamilya at malayo sa aksiyon sa loob ng ring, nananatiling aktibo si Brian “The Hawaiian Punch” Viloria sa kagustuhang muling sumabak sa huling yugto ng taong ito.

“Hopefully (I’ll fight again this year), I’ve been waiting on Bob Arum and what card they can put me on,” wika ni Viloria sa Boxing Scene.com. “We’re hoping November but that card (Pacquiao-Algieri in Macao) is filling up quick. So we’re going to look at early next year, hopefully for one of the world championships.”

Inamin din ni Viloria na gusto niyang makaharap kahit na sinong reigning champion sa flyweight division subalit naniniwala ang 33-anyos na residente ng Hawaii na may dapat pa silang tapusin ni Juan Estrada.

“I’ve been wanting to rematch Estrada now for sometime,” daing ni Viloria. “But he’s been wanting to do other things. It’s a waiting game for us, hopefully I’ll be keeping busy and until I fight for a world championship.”

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Kontrobersiyal na naagaw ni Estrada ang kanyang WBA at WBO belt noong Abril 2013 sa Cotai Arena sa Macau, China at makailang ulit na rin niyang hiniling na maka-rematch ang Mexican. Pero nararamdaman ni Viloria na iniiwasan siya nito kung kaya kung sinu-sino ang kinakalaban ng bagong kampeon.

Gayunman, umaasa pa rin ang kanyang manager na si Gary Gittlesohn na magkakaroon muli ng pagkakataong sumabak sa championship bout si Viloria lalo at aktibo ang Top Rank Promotions sa pagsasagawa ng fight card sa Asya.

“I was trying desperately to get Brian on the November Pacquiao card,” sabi ni Gittlesohn. “But that card got filled up and we tried very hard to get a rematch with Estrada and he dutifully avoided Brian. Brian is a veteran and a multi-time world champion, he’s very much in the mix at the highest level in the flyweight division.”