Dahil sa madalas na pagkakasangkot ng mga pulis sa mga krimen, nais ni Valenzuela City Rep. Sherwin Gatchalian na magsiyasat ang Kamara sa “disciplinary, relief and dismissal systems and processes” sa Philippine National Police (PNP).

Ayon sa mambabatas, nagkakaroon ng impresyon ang publiko na ang Internal Affairs Service ng PNP at ang National Police Commission ay kulang sa disiplina sa mga tiwaling opisyal ng pulisya.

“What is happening? We have to do something, and fast! It’s just unfair to the majority of our men in uniform who serve well,” ani Gatchalian.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon