Sa nakalipas na ilang linggo nitong Setyembre, laman ng mga pahayagan balita sa mga radyo at telebisyon ang nakahihiya at marahas na panghuhulidap ng siyam na pulis sa EDSA. Naluma mga civilian criminal, nadungisan ang imahe ng PNP. Marami sa ating mga kababayan ang nawalan na ng tiwala sa mga pulis. May nagsabi pa na ang kahulugan daw ngayon ng PNP ay Pahingi Ng Pera. Depensa naman ng heneral na tambolero ng PNP, iilan lamang ang bugok na pulis at mas marami ang matino at matapat. Iilan pala eh bakit hindi nila masugpo ang ginagawang katarantaduhan?

Mas nakagugulat ang sumunod nabalita tungkol sa PNP sapagkat ang sangkot ay ang kanilang pinakamataas na opisyal na si Chief Director General Alan Purisima. Ipinagharap siya sa Ombudsman ng kasong plunder, graft at indirect bribery. Ang nagharap ng kaso laban sa PNP Chief ay ang Coalition of Filipino Consumers dahil umano sa kanyang “hidden mansion” sa San Leonardo, Nueva Ecija at sa construction ng “White House”, ang opisyal niyang tirahan sa Camp Crame. May nagsabing panibagong dungis at dagok ito sa PNP.

Naging tagapagtanggol naman agad ang Pangulong PNoy ni PNP Chief Director General Alan Ayon sa Pangulo, tatlong dekada na niyang kilala si Purisima noon pang 1987 hanggang sa ngayon. Hindi maluho at matakaw. Hindi nagpayaman kahit noong nasa Presidential Security Group at Special Acrion Force. Idinagdag pa ng Pangulo na hindi siya nababahala sa kalagayan laban kay Purisima. May iba naman pananaw sa kaso ni General Purisima si Speaker Feliciano Belmonte, Jr. Hiniling na magbitiw sa tungkulin si PNP Chief Director General Alan Purisima hindi bilang pag-amin sa kasalanan kundi dahil sa delikadesa matapos akusahan ng pagkabigong iulat ang ilan sa kanyang mga araarian sa kanyang Statement of Asset, Liabilities and Networth (SALN).

Marami naman ang nagtatanong na kung magbitiw sa tungkulin si Purisima. Ano na ang mangyayari sa inilunsad niyang Transformation Program ng Phlippine National Police na sa 2030, ang image ng PNP ay ganap nang mababago gayundin ang moral values at asal ng mga pulis Ipagpatuloy kaya ito ng papalit kay Purisima?
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente