INCHEON– Isinara nina Miya Legaspi at Princess Superal ang laro na may birdies upang mapanatiling buhay na mahablot ang kahit na bronze medal sa women’s team event ng 2014 Asian Games kahapon sa Dream Park Country Club.
Sa ikalawang sunod na araw, gumaralgal sina Legaspi at Superal sa greens, ngunit nakuha nilang makabalik na taglay ang 71 at 72, ayon sa pagkakasunod, na nagpanatili sa Filipinos sa init ng laban.
Isang three-cornered battle para sa third place ang nakaantabay kung saan ang third running Japan ay umungos sa China ng 1 at ang Pilipinas sa 2 patungo sa final 18 holes ngayon.
Habang si Pauline del Rosario na muling sumadsad na mayroong 75, ang Filipinas ay mayroong three-day aggregate na 427,21 shots sa likuran ng pace-setting Thailand.
Tanging ang South Korea, pitong shots na napag-iwanan, ay may katotohanang tsansa na malagpasan ang kahanga-hangang Thais na siya ring namuno sa individual race sa pamamagitan ni Sukapan Budsabakorn sa 13-under 203.
Sinabi ni women’s coach Bong Lopez kung hindi sa kanilang pagkadismaya sa putting, sina Legaspi at Superal ay posible ring maging contender sa individual medals.
“Maganda naman ang mga palo, hirap lang sa greens,” pahayag ni Lopez. Si Legaspi, 16, ay kasalukuyang nasa ikawalo na nasa 213, pitong shots sa likuran ni third-running Sangchan Supamas ng Thailand.
Si Superal ay tumabla naman sa ikasiyam na nasa 214.
Ang Filipinas ay kapwa may promising starts ngunit ‘di nila madala ang pagpasok sa putts.
Nakuha ng 17-anyos na si Superal ang birdie sa unang hole mula sa four feet, naimintis ang dalawang birdie putts sa loob ng 16 feet at naisalba ang par sa huling apat na holes ng front nine.
Nagkaroon siya ng dalawang oportunidad sa birdie sa loob ng 12 feet bago ikinasa ang nakakatakot na 32-foot putt para sa birdie sa 13th hole.
At pagkatapos ay ibinigay ni Superal ang tatlong shots sa sumunod na tatlong holes.
Makaraang umakyat sa par-4, 14th sa dalawa, itinulak ni Superal ang kanyang 20-foot birdie putt at ‘di nabasa ang allowance ng dalawang beses para sa kanyang ikalawang 4-putt misadventure sa taon na ito. Hindi ito ang kanyang worst effort sa green.
“I even had 5-putt before for 12,” nakangiting sinabi nito.
Sa long par-5, 16th hole, ang three-wood approach ni Superal ay bumagsak sa short ng green, nakagawa ng masamang pitch ay nagmintis sa eight-footer upang isalba ang par.
Isinalba rin ni Superal ang par matapos na pagmasdan nito ang luwag sa layong two feet para sa birdie.
“It should have been at least four-under if not for my putting,” pahayag nito.
Si Legaspi, 16, ay nagkaroon din ng dalawang horrid tale, three-putting at naimintis ang birdie putts sa loob ng eight feet mula sa No. 13 hanggang sa No. 16.
“Naiiyak na nga po ako eh,” sinabi ni Legaspi.
Si Legaspi, mayroong apat na birdies kontra sa tatlong bogeys, ay namalagi ng isang oras bago isinagawa ang kanyang lunch.