BAGUIO CITY – Bibigyan ng espesyal na araw ang may 20,000 Korean sa lungsod na ito sa inaasahang pagpapasa ng Konseho ng resolusyon na nagpapanukala ng pagdaraos ng “Korean Day” tuwing Oktubre 10.
Bagamat hindi pa naaaprubahan, ipinalabas na ni Mayor Mauricio Domogan ang Administrative Order 107 na magtatatag ng executive committee na maghahanda ng mga aktibidad para sa unang Korean Day sa susunod na buwan.
Ayon sa record, nasa 8,000 Korean ang nakatira sa lungsod na ito, bukod pa sa mahigit 10,000 estudyante sa iba’t ibang unibersidad at mga English school dito.
Ang inisyatibo ay bilang pagkilala sa suporta ng Korean community sa Baguio, bukod pa ang nadadagdag na kita sa ekonomiya dahil sa kanila.
Tampok sa unang Korean Day sa Convention Center ang mga aktibidad, gaya ng mga exhibit, speech competition at parada sa central business area. - Rizaldy Comanda