DAMASCUS (AFP) – Nagbanta kahapon ang Al-Nusra Front, ang sangay ng Al-Qaeda sa Syria, na gaganti sa mga bansang nagsasagawa ng air strikes laban sa grupong Islamic State (IS), at tinawag itong “a war against Islam.”
Sa isang video na ipinaskil online noong Sabado, sinabi ng tagapagsalita ng Al-Nusra Front na si Abu Firas al-Suri na ang mga bansang nagsasagawa ng air strikes “[had] committed a horrible act that is going to put them on the list of jihadist targets throughout the world.”
Ito ang babala ng grupo kasabay ng pagpapaigting ng koalisyong pinamumunuan ng Amerika sa air strikes laban sa IS sa Syria, at sa unang panahon ay isinagawa ng mga British warplane ang una nitong anti-jihadist combat mission sa kalapit na Iraq.
Ang pag-atake ng Amerika laban sa IS sa Syria ay suportado rin ng Bahrain, Jordan, Qatar, Saudi Arabia at United Arab Emirates.
Samantala, isa namang umano’y lider ng grupong Khorasan ng Al-Qaeda, si Muhsin al-Fadhli, ang napatay sa air strikes, base sa serye ng tweet ng isang jihadist.