INCHEON, Korea— Ang mahabang pagbiyahe mula sa Hwaseoung Gymnasium patungong 17th Asian Games Athletes’ Village ang isa sa ikinadidismaya at pagka-emosyon ng Gilas Pilipinas team matapos ang kanilang 68-77 loss sa Qatar noong Biyernes ng gabi.

Matagal na nakipag-usap si coach Chot Reyes kay naturalized player Marcus Douthit at sinubukang ayusin ang mga isyu upang itulak ang koponan sa mas magandang kampanya.

Ang pagkatalo ang ikalawang sunod ng koponan matapos na maunsiyami sa kamay ng Iranians. Ngunit ang pagkabigo ay ‘di pa naman dapat damdamin dahil sa may mga laro pa sila para madetermina ang groupings.

Ang kailangan lang talaga ng Gilas ay mapagwagian nila ang laro sa India upang umabante sa susunod na round, at kanila nga itong nagawa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Subalit ang pagkatalo sa Qatar ang labis na nakasakit sa koponan.

Isinisi ni Reyes ang pagkabigo kay Douthit.

Sadyang kailangan ng Gilas na magwagi sa Korea at Kazakhstan upang makatuntong sila sa quarterfinal round.

Bagamat si Douthit ay isang naturalized Filipino, isinaisip na ni Reyes ang posibilidad na maglaro ng ‘all-Filipino’ ito kontra sa Korea kahapon.

Hindi si Douthit ang pinili ni Reyes para sa reinforcement dito.

Hangad ni Reyes ang isa pang naturalized Filipino sa katauhan ni Andray Blatche upang tulungan ang kanyang koponan. Nabigo si Blatche upang makamit ang Olympic Council of Asia (OCA) requirements para sa naturalized players.

Kaya’t napilitan si Reyes na piliin si Douthit, ang stint dito ay naisakatuparan lamang matapos ang huling minutong apila ni Chief of Mission Ricardo “Richie” Garcia at Mauricio Martelino, dating secretary general ng Asian Basketball Confederation (ABC), na pinalitan ang pangalan tungo sa FIBA Asia.

Sinabi naman ni Douthit na nagka-ayos na sila ni coach Reyes.

“Yeah, we had a long talk. Everything is fine between us,” saad ni Douthit.

“We’ll play our best later against Korea. We’ll come out there and go for a win,” dagdag ni Douthit.

Hindi ito nagbigay ng anumang detalye sa kanilang napagusapan ni Reyes, He did not give details of their talk, ngunit ng tanungin ang kanyang relasyon kay Reyes, ito ang isinagot ni Douthit: “We’re fine, very fine. You know what I mean?”

Kinastigo si Reyes ng fans sa endgame collapse ng Gilas. Ngunit ipinagtanggol nina Jeff Chan at Paul Dalistan (Paul Lee) ang kanilang coach na nagsabing: “Di naman kasi naiintindihan ng lahat ng fans ang situation ng bawat game.”

Samantala, isang Gilas staff ang nagpahayag ng ibang senaryo na magpapabago sa complex ng kanilang susunod na laro.

“Mas mabuti pa nga na maglaro kami ng all-Filipino e. Matalo man kami, natalo kami dahil wala si Douthit. Pero mas magandang tingnan kapag nanalo kami ng all-Filipino.”

Mag-isa si Douthit sa Athletes’ Village para sa breakfast.

Naglakad ito sa mahabang mess hall patungo sa kanilang building na tanging ang kasama ay ang assistant.

Nang tanungin hinggil sa kanyang koponan, ito ang kanyang naging katugunan: “We’re fine, we’re fine.”