Inihayag ngayon ng San Antonio Spurs na muli nilang pinalagda si Aron Baynes.

Sa club policy, hindi inaanunsiyo ang termino ng kontrata.

Si Baynes, orihinal na sumanib sa Spurs bilang free agent noong Enero 23, 2013, ay naglaro ng 53 games noong 2013-14 season, kung saan ay ay may average siya na 3.0 points at 2.7 rebounds sa 9.3 minutong paglalaro. Noong 2014 playoffs, ang dating former Washington State Cougar na nakita sa aksiyon sa 14 mga laro kung saan ay may average siya na 2.3 points at 2.2 rebounds sa 7.2 minutong paglalaro.

Miyembro ng Australian National Team, sumabak kamakailan si Baynes sa 2014 FIBA World Cup kung saan ay tinulungan niya sa pamumuno ang Boomers sa elimination round, kung saan ay may average siya na 16.8 points at 7.0 rebounds sa 27.0 minuto.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kanyang career, si Baynes ay umentra sa 69 NBA games, may average na 3.0 points at 2.6 rebounds sa 18.4 minutes.