Walang naiuwing medalya ang ating basketball team na Gilas Pilipinas, ni medalyang tanso man, wala. Sa mga laro ng Gilas, sa kanilang dibisyon ay miminsan silang nanalo at ito ay laban sa Senegal. Sa mga nakalaban nilang ibang koponan na ang mga manlalaro ay halos sinlalaki ng mga higante ay hindi sila pinalad. Ngunit hindi sila wika nga basta-basta inilampaso. Ang totoo, ay katakut-takot na hirap at kaba ang ipinalasap nila sa mga nakalaban bago sila bumigay. May mga laro pa nga sila na nauwi sa over-time na hindi nga lamang pinalad sa mga huling segundo ng laro.

Wala tayong medal, pero naroon at nanatili ang malaki nating puso. Ang pusong Pinoy na hindi basta-basta napasusuko ng anumang pagsubok at hamon at handang mamatay o magpakamatay alang-alang sa dangal ng bansa. Kung pagmamasdan ang laro, sa umpisa pa lamang ay parang dudurugin nang talaga ng mga koponang kanilang nakalaban ang ating mga manlalaro. Mapalad na sa mga malalaro natin ang pumantay sa leeg ng mga manlalaro ng ibang bansa. Kung titingnan, parang ang naglalaro at ang higante laban sa mga duwende. Kung pinapayungan ng guwardiya ng kalabang koponan ang ating mga manlalaro ay hindi na halos matanaw ang goal. Pero dahil sa delikadesa at puso ay puspusang nakipaglaban para patunayang “ang maliit man ay nakapupuwing.”

Sa ating koponan ay namumukodtangi ang gilas na ipinamalas ng ilan nating manlalaro: Jimmy Alapog, Junmar Pajardo, Gabe Norwood, Ranidel de Ocampo, Jeff Chan at maging si Paul Lee at Pingris at Tenorio. Ngunit kahangahanga rin ang ipinakita ni Andray Blanche na hindi nangimi o isinaalang-alang rin ang maaring maging kapansanan na makaaapekto sa kanya bilang manlalaro sa NBA at nakipagharapan ng todo-todo at walang takot.

Matagal na naming tinatalakay sana ang pagkakaroon ng dibisyon sa basketball ayon sa height. Kung ang boksing ay may dibisyon ayon sa timbang, dapat ang basketball ay magkaroon naman ng dibisyon para sa taas. Sapagkat kailanman, ang mga koponang nagmumula sa mga bansang ang mga manlalaro ay maliliit, hindi mananalo ang mga ito sa mga bansang ang mga manlalaro ay sinlalaki ng higante.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Maliban sa alamat, kailanman ay hindi tatalunin ni David si Goliath.