Isang Pinoy at isang Amerikano ang nahaharap sa habambuhay na pagkabilanggo sa California sa Amerika makaraan silang mapatunayang guilty nitong Huwebes sa pagpaplanong tulungan ang mga jihadist sa ibang bansa at sa pagpatay sa ilang sundalong Amerikano.

Hinatulan ng hurado sina Ralph De Leon, 25, Pilipino; at Sohiel Omar Kabir, 36, naturalized US citizen, sa pagtatapos ng anim na linggong paglilitis kasabay ng paglulunsad ng Amerika ng air strikes sa Syria at Iraq laban sa mga militanteng Islam.

Nabigyang-diin sa paglilitis ang banta sa Amerika ng mga homegrown extremist.

Si De Leon ay napatunayang nagkasala sa pagkakaloob ng material support sa Al-Qaeda, pagsailalim sa military-type training mula sa grupo at pagsasagawa ng pagpatay, pagdukot at pagpinsala sa ibang bansa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“This case shows that the appeal of extremist ideologies can reach from Afghanistan to America,” sabi ni United States Attorney Stephanie Yonekura pagkatapos ng paglilitis sa Riverside County, silangan ng Los Angeles.

Ipinapakita nito ang “clear need for continued vigilance in rooting out homegrown violent extremists who plot terrorist acts both here and abroad”.

Ang dalawa pa nilang kasabwat—sina Miguel Alejandro Santana Vidriales at Arifeen David Gojali—ay kapwa nagplead ng guilty at naghihintay pa ng hatol.

Idinetalye sa paglilitis ang pagbiyahe ni Kabir sa Afghanistan noong 2012 at paghimok kina Santana at De Leon na sumama sa kanya, sinabing sasapi sila sa “the students” (mga militanteng Taliban) at “the professors” (Al-Qaeda). Setyembre 2012 naman nang i-recruit nina De Leon at Santana si Gojali para sumama sa Afghanistan. - Agencé France-Presse