Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang pagtaas ng presyo ng tasty o loaf bread at pandesal sa mga pamilihan hanggang Pasko.

Ayon sa DTI mananatili sa kasalukuyan nitong presyo na P37 ang kada supot ng Pinoy Tasty habang P22.50 ang 10 pirasong Pinoy pandesal, sa mga supermarket hanggang sa Disyembre 25.

Paliwanag ng DTI bumaba ng P910 ang presyo ng kada sako ng harina sa merkado mula sa dating P940. Ipinunto pa ng ahensiya na dapat pa ngang matapyasan sa P0.50 ang presyo ng tasty at pandesal bunsod ng pagbaba ng halaga ng harina na pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay.

Subalit sinabi ng samahan ng mga panadero sa bansa na hindi nila maipapangako ang bawas-presyo sa kanilang tinapay dahil hindi pa nila ramdam ang epekto ng pagbaba ng presyo ng harina.
Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11