Almaty (Kazakhstan) (AFP)– Nagbalik sa aksiyon sa unang pagkakataon mula sa Wimbledon noong Huwebes si Rafael Nadal at inamin na sinusubukan niyang kalimutan ang natamong wrist injury na nagpuwersa sa kanya na hindi makapaglaro sa US Open at madepensahan ang titulo.

Tinalo ng nine-time French Open champion si Jo-Wilfried Tsonga ng France, 6-7 (2/7), 6-3, 6-4, sa isang exhibition match sa Astana, ang kanyang unang paglalaro sa Kazakhstan.

“Every time when I come back after an injury I have an extra motivation,” sinabi ng 28-anyos na si Nadal. “I’m set to work hard to gain my top form and to return to my level. I’m very happy to have an opportunity to play tennis -- my favorite occupation.”

Ang world number three na Spaniard ay hindi pa naglalaro mula nang matalo sa ikaapat na round kay Nick Kyrgios ng Australia sa Wimbledon noong Hulyo 1.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nilaktawan niya ang US hardcourt season ngunit gagawin ang kanyang competitive return sa Beijing sa darating na linggo.