WASHINGTON (Reuters)— Nakilala na ang nakamaskarang militanteng Islamic State na may hawak na patalim sa mga video ng pamumugot sa dalawang Amerikano, sinabi ni FBI Director James Comey noong Huwebes, ngunit tumanggi siyang magbigay ng detalye sa pangalan o nasyonalidad ng lalaki.

Ang mga video, inilabas noong Agosto at Setyembre, ng Amerikanong mamamahayag na si James Foley at Steven Sotloff ay nagpapakita isang nakamaskarang militanteng Islamic State na may hawak na patalim at nagsasalita ng English sa British accent.

Sinabi ng isang European government source na pamilyar sa imbestigasyon na ang accent ay nagpapahiwatig na ang lalaki ay nagmula sa London at posibleng mula sa isang komunidad ng mga Asian immigrant. Sinabi ng mga opisyal ng US at Europe na ang principal investigative work sa pagtukoy sa lalaki at isinagawa ng mga ahensiya ng British government.

“I believe that we have identified,” ani Comey sa isang maliit na grupo ng mga mamamahayag. “I’m not going to tell you who I believe it is.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hindi ipinakita ang aktwal na pamumugot kina Foley at Sotloff sa mga video. Ipinahihiwatig lamang nito na ang nakamaskarang lalaki ang nagsagawa ng pamamaslang. Sinabi ng mga imbestigador na dahil sa paraan ng pag-edit sa mga video, posible na ibang tao at hindi ang lalaking may British accent ang namumugot.

Lumutang ang ikatlong video ng pagpatay kay David Haines, isang British aid worker, kalaunan at nagbanta rin ang Islamic State sa ikalawang British aid worker na si Alan Henning.

Sinabi ni British ambassador to the United States, Sir Peter Westmacott, sa CNN na matapos ang pamamaslang kay Foley noong Agosto, kaagad na kumilos ang Britain para matukoy ang suspek gamit ang voice-recognition technology.