Michael-Pangilinan

SASABAK na si Michael Pangilinan sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 bukas, sa Smart Araneta Coliseum.

Si Michael ang interpreter ng Pare Mahal Mo Raw Ako ng award-winning composer na si Joven Tan na mainit na pinag-uusapan ngayon at super-trending dahil sa kakaibang tema.

“It’s a serious song about a man and his gay best friend - nang malaman ng lalaki na na-in love sa kanya ang kanyang gay best friend, nakikiusap ito na baka puwedeng hanggang mag-friends lang sila - hindi niya kaya ‘pag sobra pa roon,” sabi ni Michael.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“Nung unang inalok sa akin ang kantang ito, sinabi naman nilang tungkol ito sa lalaki at gay best friend niya. Hindi naman ako nag-hesitate, ang request ko lang ay gusto kong marinig muna ang song bago ako mag-decide.

“Then, I read the lyrics at pinakinggan ko ang melody at sobrang ganda talaga. Nagustuhan ko ang message ng song -- kasi nga, it’s about friendship -- a different kind of love song na totoo namang nangyayari sa mga buhay natin. Ang gusto ko lang kasing malaman ay kung baka may ma-offend ako through this song – eh, wala naman. Napaka-positive pa rin ng dating and ako naman ang lalaki rito kaya walang problema sa akin. Ni hindi ko naisip na baka pagdudahan ang sexuality ko. Unang-una, secured naman ako sa gender ko, ha-ha-ha!” pilyong sabi pa ni Michael.

“Kasi nga, with this song, tiyak na makakatulong ako sa iba nating friends out there na nasusuong sa ganitong sitwasyon. Na sakaling dumating sa kanila ang ganitong senaryo, at least alam na nila kung papaano i-handle ang sitwasyon without offending the other party.

Puwede naman talagang hanggang mag-friends lang, di ba? Mahirap namang pilitin pag ayaw. Pero nakita n’yo naman sa lyrics ng song na ayaw namang bitawan ng guy ang friendship niya with his gay best friend. Hindi naman kailangang magkailangan sila - wala namang mababago sa friendship nila kahit nalaman niyang may iba palang gusto ang kaniyang kaibigan sa kaniya.

“Honestly, wala pa namang ganitong eksenang nangyari sa akin pero sakaling may mapagdaanan akong ganitong sitwasyon one day, at least alam ko nang i-handle. Kasi nga, if you were to ask me now -- as in right now, ayoko talaga. Hanggang friendship lang talaga ang kaya ko. Pero ayoko ring magsalita nang patapos at baka dilaan ko lang ang sinabi ko, ha-ha-ha! Basta I will speak for today lang. Malay natin - baka bukas-makalawa ay pumayag pala ako, ha-ha-ha!

“Marami akong gay friends -- lalo na rito sa industry natin. And I have so much love for all of them -- a different kind of love nga lang. Masarap kasi akong kaibigan, puwede mo akong pagsumbungan ng anything under the sun. Kaya perfect nga ang Pare, Mahal Mo Raw Ako sa akin, eh. Laking tulong pa ng song na ito sa career ko as a singer, I admit that.

“Kasi nga, kung ‘di dahil sa song na ito, baka hindi ko nakamit ang malawak na exposures na tinatamasa ko now with this song. Kaya laking pasalamat ko sa Himig Handog dahil it has given me the much-needed mileage sa singing career ko. Huwag na tayong magpakahipokrito - laking tulong talaga ng Pare, Mahal Mo Raw Ako sa career ko - kahit papaano ay mas nakikilala na ako ng mga kababayan natin. Thanks to Star Records and to Tito Joven Tan sa pagbigay sa akin ng tiwalang ito,” pag-amin niya.

Makakalaban ni Michael tonight ang ilan sa pinakamalalaking pangalan sa music industry like Jed Madela, Juris, Marion Aunor, Hazel Faith dela Cruz, Jugs and Teddy, Bugoy Drilon, Jovit Baldovino, Jessa Zaragoza, Angeline Quinto, KZ Tandingan, Morisette Amon, Abra and Daniel Padilla.