Sinimulan na nitong Huwebes ang pagkukumpuni sa dome ng makasaysayang Manila Cathedral sa Intramuros, Manila.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), bahagi ito ng paghahanda ng Simbahan para sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa sa Enero 15-19, 2015.

Nabatid na isa ang Manila Cathedral sa mga posibleng bisitahin ng Papa sa nga unang araw ng pagbisita nito sa Pilipinas bago magtungo sa Leyte.

Inaasahan namang sa Nobyembre pa maisasapinal ang opisyal na schedule ni Pope Francis, at inaasahang kabilang sa mga pangunahing destinasyon ng Papa ang pagbisita sa mga nasalanta ng bagyong ‘Yolanda’ sa Leyte noong nakaraang taon.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Mahigit 6,000 katao ang nasawi sa pananalasa ng Yolanda sa Eastern Visayas noong Nobyembre 8, 2013. Milyun-milyong katao ang naapektuhan nito.