Malinaw na may pagpipilian tayo. Magkakaroon ng power shortage sa summer ng susunod na taon, tinatayang 300 megawatts, na nangangahulugan ng malawakang brownout at pagsasara ng mga pabrika. Ngunit kung pagkakalooban ng Kongreso si Pangulong Aquino ng emergency power na makipagkontrata sa mga pribadong power producer para sa karagdagang supply, kailangang bayaran natin ang karagdagang kuryenteng ito sa mas mataas na halaga kaysa dati?

Sa ilalim ng Section 71 ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), maaaring makipagkontrata ang gobyerno para sa karagdagang enerhiya mula sa mga provisional producer. Ang huling nagkaroon ng parehong situwasyon sa bansang ito ay noong dekada 90 nang kinailangan nating bilhin ang eherhiya sa halagang magpahanggang ngayon ay binabayaran pa natin sa ating mga electric bill.

Mas malamang na aaprubahan ng Kongreso ang emergency power na hinihiling ni Pangulong Aquino. Ang kailangan natin ngayon ay isang sagot sa tanong: Magkano ang babayaran natin para sa karagdagang kuryente na ito?

Kailangang sagutin din ng ating mga tagaplano sa gobyerno ang iba pang kaugnay na mga tanong, tulad ng kung gagamitin ba ng pamahalaan ang Malampaya Fund upang makatulong sa pagresolba ng power shortage; na inilaan ang pondong ito para sa power development. May mga talakayan na nagamit na ang Malampaya Fund sa iba pang layunin, ngunit ibang istorya naman iyon. Sa ngayon, sapat na kung maglalabas ang gobyerno ng isang tuwirang plano upang maresolba ang napipintong power shortage, sa paggamit ng available na resources. Gayunman, sa tingin natin dito, ang kakapusan sa enerhiya ay sumasalamin sa kakapusan ng galing ng yaong mga itinalagang mangasiwa ng situwasyon sa enerhiya ng bansa. Hindi dapat humantong sa ganito. Matagal bago pa man umusbong ang problema, dapat nakaprograma na ang pamahalaan sa pagtatayo ng mga bagong power plant. Sapagkat ang pagkakaroon ng enerhiya ay payak sa paglago ng ekonomiya ng kahit na anong bansa.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Matapos nating maresolba ang pansamantalang emergency na ito sa pagsapit ng 2015, kailangang pagtuunan ng pansin ng ating gobyerno sa mas malawak na problema ng pagkakaloob ng sapat na enerhiya sa lahat ng bahagi ng bansa, lalo na sa Mindanao na mabagal ang kaunlaran dahil sa mismong kakapusan ng kuryente para sa mga pabrika nito.