Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang pagsibak sa serbisyo sa inspektor ng eroplano na sinakyan ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo na bumagsak sa karagatan ng Masbate at ikinamatay ng kalihim mahigit dalawang taon na ang nakararaan.

Sa desisyon na inaprubahan ni Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur H. Carandang na ipinadala kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General William Hotchkiss III, agad na ipinag-utos ng anti-graft court ang agarang pagsibak kay Fernando Valdez Abalos na napatunayang guilty sa kasong grave misconduct, serious dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Si Abalos ang umaktong CAAP inspector na nagpalabas ng certificate of airworthiness para sa Piper Seneca plane (RP-C4431) na bumagsak sa karagatan ng Masbate noong Agosto 18, 2012, na ikinamatay ni Robredo, pilotong si Jessup Bahinting at student pilot na si Kshitiz Chand.

Ang aid-de-camp ni Robredo na si Senior Insp. June Abrazado ay nakaligtas sa trahedya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Matatandaan na ipinag-utos ni Hotchkiss ang paghahain ng kasong kriminal at administratibo sa Ombudsman laban kay Abalos, at sa mga sibilyan na sina Nelson Napata at Federico Omolon III, ng Aviatour’s Flyin’ Inc. dahil sa pagpalsipika ng mga dokumento. - Ariel Fernandez