Laro ngayon: (Samsan World Gymnasium)

13:00 Philippines vs. Korea

Hindi makakalimutan ng Pilipinas ang Asian Games sa Busan noong 2002.

Ang Busan Asiad ang siyang naging daan upang magsimula ang pagiging matinding magkaribal ng Pilipinas at Korea.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Muli ay magkakasukatan ng lakas ang Pilipinas at Korea sa ganap na ala-1:00 ng hapon sa napakaimportanteng laro sa quarterfinals na kapwa nila inaasam tungo sa pinag-aagawang gintong medalya.

Habang sinusulat ito ay kasagupa naman kahapon ng Pilipinas ang Qatar sa Hwaseong Sports Complex Gymnasium sa una nilang laro sa round robin sa Group A.

Nahulog ang Pilipinas sa matinding Group A matapos muling mabigo sa Iran, 63-68, upang masundan ang masaklap nilang kabiguan sa kampeonato ng FIBA Asia Men’s Championships na ginanap sa bansa.

Gayunman, inaasahang magkakasubukan ang Pilipinas at ang host Korea sa tampok na laro ngayon bunga na rin ng kanilang pagiging magkaribal.

Matatandan na isang tres ng Korea sa huling segundo ng laro ang gumiba sa hangarin ng binuo noong all-pro national squad na makatuntong sa kampeonato upang maputol ang matagal nang pagkauhaw sa gintong medalya.

Pilit namang babawi ang Korea mula sa nalasap na kabiguan sa Pilipinas sa FIBA Asia Men’s Championships sa semifinal na nagtulak sa mga Pilipino upang makatuntong patungo sa unang pagkakataon sa FIBA World Cup sa Spain.

Gayunman, nagawa din ng Korea, kahit na tinalo ito ng Pilipinas, na makatuntong din sa FIBA World Cup matapos na iuwi ang ikatlong puwesto.