INCHEON– Itinarak ng Philippine Blu Girls sa Asian champion China ang scoreless standoff bago bumuhos ang malakas na ulan sa kanilang pickup match kahapon sa 2014 Asian Games.

Inilaro ang game sa limang innings kung saan ay isinalansan ng Blu Girls sa Chinese ang 3-1 iskor.

“It’s a good sign,” saad ni national coach Randy Dizer bago ang importanteng opening match ng Blu Girls sa South Korea.

Makakaharap ng Filipinas ang world champion Japan sa nasabi ring araw, subalit nakapokus si Dizer sa Koreans na kanilang tinalo noong nakaraang taon sa Asian Championship.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kinakailangan ng Blu Girls na magwagi ng dalawang laro upang umentra sa Page Finals at minamataan nila ang Koreans at Thailand bilang kanilang mga biktima.

Ang top four teams sa six-team field ang aabante sa finals kung saan ang top two teams at ang No. 3 at No. 4 ang maglalaban. Ang mananalo sa pagitan ng No. 1 at No. 2 ang eentra sa gold medal match habang ang matatalo ang maghihintay sa magwawagi sa pagitan ng No. 3 at No. 4 para sa isa pang spot.

Dapat sana’y magsasagawa ng praktis ang Blu Girls kahapon, subalit nagkaroon sila ng tsansa na makalaro ang Chinese nang ang oportunidad ay iprinisinta sa kanila.

Ginamit ng Chinese ang kanilang top pitcher sa kasagsagan ng pickup game, ayon kay team official Jun Veloso.

“This is the same pitcher that beat world champion Japan last year in the Asian championship,” pahayag ni Veloso.

Ginamit ni Dizer ang lahat ng kanyang players, kasama na ang limang Fil-American recruits na naglaro sa nakaraang World Cup.

Bagamat na isang pickup game, naisagawa ng Blu Girls ang matinding depensa kung saan ay nakiisa ang Fil-Ams laban sa homegrown teammates.

“Nakikisama po sila kaya magaan ang loob namin sa kanila,” ayon kay Veronica Belleza, ang team’s top pitcher. “Nakikipagkulitan sila. Maganda ang unity namin kasi isa lang ang goal namin. Eager po kaming lahat na magka-medal sa Asian Games.”

Bilang bahagi ng kanilang Asiad preparation, naglaro ang Blu Girls ng 20 matches sa kanilang two-month stint sa United States.

Ang anim na Fil-Am recruits ay sina centerfielder Dani Gilmore, Garie Blando, Leia Ruiz, Francesca Foti, Morgan Stuart at Gabby Rodas. Tanging si Ruiz ang ‘di nakita sa aksiyon kung saan ay nakatakda siyang dumating ng huli sa araw na iyon.

Pinamunuan ni catcher Francesca Almonte ang homegrown talents na kinabibilangan nina Rizza Bernardino, Annalie Benjamen, Luzviminda Embudo, Lorna Adorable, Elma Parohinog, Angelie Ursabia, Marlyn Francisco at Belleza.

Sinabi ni Gilmore, naglalaro sa Oregon State University, na ang kanilang tsansa ay mataas naman.

“We really feel that we can compete here,” sinabi ng 21-anyos na si Gilmore. “There’s always some pressure and we understand the severity of the tournament. But in the end, it’s just a game and if we have fun out there, we can win.”

Naglaro si Blando, ang US-based daughter ng Filipino parents, bilang shortstop at nasa kredito niya ang pagtulong sa pag-recruit ng iba pang Fil-ams.

Isang 20-year-old student ng University of Nevada Las Vegas, kinuha ni Blando pagbabakasyon noong Disyembre upang sumanib sa praktis sa University of the Philippines kung saan ay nakita siya ni Dizer.

Inimbitahan si Blando na maglaro sa Blu Girls, na nagbigay daan sa eventual recruitment ng iba pang United States-based players.

“I thought it’d be better for the country, bringing in players who’ve had more tournament experience and who’ve played in tougher tournaments,” saad ni Blando na ang kanyang mga magulang na sina Reggie Blando at Garnet Payawal ay nakatira sa Quezon City. (Rey Bancod)