BEIJING (Reuters)— Pinagsasaksak ng isang lalaki ang apat na estudyante sa elementarya noong Biyernes sa katimugang rehiyon ng Guangxi, sinabi ng state media, sa huli sa serye ng pananaksak na ikinagimbal ng bansa.

Tinutugis na ng pulisya ang suspek, isang middle-aged na lalaki, sinabi ng state news agency Xinhua, tinukoy ang public security bureau sa Lingshan county sa Guangxi region. Hindi nagbigay ng detalye ang Xinhua sa motibo ng lalaki.

Inatake ng suspek ang mga bata habang papasok sa paaralan. Tatlo sa kanila ang agad na namatay habang ang isa ay nalagutan ng hininga sa ospital.

Naganap ang atake halos isang buwan matapos paslangin ng isang lalaki ang pumatay sa tatlong bata at sumugat sa ilan pa sa isang primary school sa China.
National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara