RIYADH (The Week)— Sumali si Prince Khaled bin Salman, ang anak ng tagapagmana ng trono ng Saudi Arabia, sa bombing raid laban sa ISIS — at ngayon ay tumatanggap ng mga death threat.

Inilabas ng pamahalaang Saudi ang mga litrato ng prinsipe na nakaupo sa cockpit ng kanyang Tornado jet, na iniulat na isinabak sa mga pang-atake na pinangunahan ng US laban sa mga militanteng ISIS sa Iraq. Ang ama ni Bin Salman, si Crown Prince Salman bin Abdulaziz, ay ang defense minister ng bansa at dati ring fighter pilot.

Ang prinsipe ay iniulat na nagpalipad ng isa sa apat na eroplano ng Saudi sa pambobomba sa Syria kasama ang mga jet mula sa Jordan, Bahrain, Qatar, at United Arab Emirates sa ikalawang gabi ng pag-atake ng US. Kasabay ng prinsipe ang unang babaeng air force pilot ng United Arab Emirates na si Major Marian Al Mansouri.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho