SA kabila ng pagkakalantad sa kultura ng katiwalian at kriminalidad, naeskandalo ang taumbayan sa mararahas na krimen at kabulukang kinasasangkutan ng mga miyembro ng pambansang pulisya. Ang nakaka-shock pa rito, ang mismong pulisya na pinaglalaanan ng ating buwis ang misming mga kriminal. Sino pa ang ating pagkakatiwalaan? Kung sabagay, kakaunti lamang sa mga miyembro ng Philippine national Police (PnP) ang mga bugok na itlog. Gayunman, nabahiran ng dumi ang pangalan ng PnP sa katiting na bilang na iyon.

Ito ang nagtulak sa ilang responsableng opisyal na repasuhin ang batas na lumilikha ng PN at ibalik ang pagkontrol sa pulisya sa mga local government unit (Lgu). nanawagan sina Albay gov. Joey Salceda at Congressman Lito Atienza, na dating Manila Mayor, para sa redevolution ng police control sa mga Lgu o bigyan ng kapangyarihan ang mga local executives sa pangangasiwa ng operasyon ng kanilang pulisya.

Sinabi ni Salceda, na ang pagpapanumbalik sa Lgu ng pagkontrol sa pulisya “will reverse its dysfunction, optimize its resources, enhance its institutional capabilities and curtail police criminality”. Aniya, na ang localized police ay magreresulta sa isang bukas at tuluy-tuloy na pakikipag-ugnayan ng mga alagad ng batas at ng komunidad. Sa paglaganap ng kriminalidad na kinasasangkutan ng mga pulis, idinagdag niya, “should compel us to seriously revisit the logic for a PnP that is saddled with overwhelming and expanded concerns, so that a policeman can lose his grasp with the community and his role as protector of the man on the street”.

Isinusulong naman ni Atienza ang reorganiasyon ng PnP upang magkaroon ng two-tiered police system kung saan may direktang pangangasiwa ang Lgu executives sa operational control ng lokal na pulisya. Ani Atienza, “This would immediately restore accountability to local governments under whose control and supervision the local police will be placed”. napapanahon na upang repasuhin ang batas na lumikha sa PnP at alamin ang iba pang aktibidad ng mga miyembro nito na nakaaambag sa paglutang ng mga pulis na kriminal.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina