Inaasahang lalakas pa ang kapabilidad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagresponde tuwing may kalamidad matapos itong makabili ng mga modernong rescue truck at ambulansiya na nagkakahalaga ng P20 milyon.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na malaki ang maitutulong ng mga high-end rescue truck at ambulansiya sa rescue, evacuation at mobilization ng mga search and rescue team at paglilipatlipat ng relief goods tuwing may kalamidad.

Ang limang rescue ambulance ay kargado ng mga high-tech trauma at cardiac life-saving tool at iba pang medical equipment.

“It can accommodate emergency births, incubators for young patients and patients with cardiac problems,” pahayag ni Ramon Santiago, isang opisyal ng MMDA.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, ang high-ground rescue truck ay mayroong crane, five-ton power winch na nakakabit sa bumper, tower light at hi-tech rescue tool at equipment.

Ayon kay Tolentino, sasailalim ang mga rescue at paramedic team ng ahensiya upang maging pamilyar sa paggamit ng mga bagong rescue vehicle.