DUMARAMI raw ang matatabang Pinoy at Pinay ngayon sa Pilipinas dahil sa walang habas na pagkain ng junk foods, french fries, ice cream at instant noodles. Ito ang pahayag ni Dr. Anthony Leachon, kilalang internist at cardiologist, sa isang symposium na may titulong “Calorie Counting and Labelling na ginanap sa UP-Philippine General Hospital.

Sa artikulong sinulat ni Sweetie dela Torre, isinasaad na ang nabanggit ang pinakadelikadong mga pagkain na tinukoy ng World Health Organization. Ayon kay Leachon, ang mga Pinoy ay “getting bigger and bigger due to calorie-overload fast food meals.” Ang tama lang daw na bilang ng calories kada araw ay 1,800-2,000 calories sa lalaki at 1,200-1,500 calories sa babae.

Samantala, ang isang tao na nage-ehersisyo araw-araw ng 30 minuto ay nakasusunog lang ng 300 calories. Sa artikulo, binanggit na may 500 calories per serving ng french fries; 200 calories ang per scoop ng ice cream; 500 calories ang pancake; 200 calories kada tasa ng kanin; burger ay 250-500 calories; 180 calories sa junk food; 600 calories sa donut; 300 calories bawat hiwa ng pizza; ice tea o softdrinks ay 150-200 calories bawat baso kumpara sa tubig na zero calorie.

Kamakailan mismong si ex-Pres. Fidel V. ramos ang nagsabing may 100 taga-Mindanao ang na-recruit para pumunta sa Iraq at sumanib sa jihadist na ISIS (Islamic State in Iraq and Syria). Sinundan ito ng pahayag ni Davao City Mayor Rod Duterte na may 200 taga-Davao ang nakalap rin para mag-training sa Iraq at sumanib sa ISIS. Tugon ng AFP, wala silang natatanggap na gayong impormasyon!

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Pitong estudyante ng Bulacan State university ang nalunod sa Sibul Springs, San Miguel, Bulacan sanhi ng malakas na agos ng tubig galing sa kabundukan. Sayang na buhay ng mga kabataang nag-field trip sa Madlum Cave. noong nag-aaral pa ako sa San Miguel High School. Nagpupunta rin kami ng mga kaibigan doon kung tag-araw o bakasyon para maligo. Nakabisikleta, pawisan kung dumating doon. Kaunting pahinga lang at paligo na. Malamig, malinis at masarap ang lamig ng tubig sa Madlum Cave lalo na sa tanghaling-tapat na napakainit.