Iniutos ni Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez ang pagbuo ng committee para pag-aralan ang planong pagbubukas at interconnection ng mga kalsada sa mga pribadong subdivisions na tatawaging “Friendship Route” na makatutulong maibsan ang siksikang trapiko sa lungsod.

Naniniwala si Olivarez na ang friendship route ay magbibigay sa mga motorista ng access na makiraan sa subdivision roads, tinalakay ito sa Parañaque City Traffic Summit noong nakaraang lingo sa Don Bosco Barangay Gymnasium sa paghahanap ng solusyon sa lumalalang kondisyon ng trapiko na labis na nakaapekto sa mga residente at negosyante sa lungsod.

“We need to look at all the possible alternatives, including the creation of a Friendship Route and the deployment of more traffic enforcers in addition to the various measures that we have already put in place to ease the traffic burden on our constituents,” pahayag ni Olivarez sa Summit.

Noong nakaraang Lunes, nagisyu si Olivarez ng Executive Order No. 14-036 Series of 2014 na pagbuo ng committee na dedetermina kung aling mga subdivision road ang maaaring buksan sa publiko sa pagestablisa ng Friendship Route kasabay ng pagbalangkas ng mga batas at alituntunin kaugnay sa implementasyon nito.

National

4 na senador, binawi ang pirma sa Adolescent Pregnancy Bill

Ang paglikha ng komite ay nakapaloob sa naunang batas na ipinasa ng Sangguniang Panlungsod noong Agosto 2000, ang Ordinance No. 0015(672) na tinaguriang “An Ordinance Opening Roads in Subdivisions with Linkages to Major Thoroughfares of the City to the Public, When Deemed Necessary”.