Kinasuhan kahapon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang "Dentist to the Stars" na si Dr. Steve Mark Gan dahil sa hindi pagbabayad ng buwis na aabot sa P36 milyon mula 2009 hanggang 2011.

Si Gan, founder ng Gan Advanced Osseointegration Center (GAOC) na nagbibigay ng serbisyo sa mga artista, gayundin sa mga kliyente nito sa iba't ibang bansa, ay kinasuhan ng paglabag sa Section 248 ng Tax Code nang ideklara nito na maliit ang kanyang kinita noong 2009, 2010, at 2011.

Natuklasan ng BIR na nagkaroon ng under-declaration sa Income Tax Returns (ITR) ni Gan nang ideklara lamang nito na kumita lamang siya ng P3.12 milyon noong 2009, P3.04 milyon noong 2010, at P8.13 milyon noong 2011.

Ang hindi pagdedeklara ni Gan ng tamang kita nito ay nabisto nang hingan ng tulong ng BIR ang Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) na nagsabing tumanggap si Gan ng kabuuang kabayaran na P47.49 milyon sa pamamagitan ng credit card--P11.97 milyon noong 2009, P23.21 milyon noong 2010, at P12.32 milyon noong 2011.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

"Under Section 248 (B) of the Tax Code, under-declaration of taxable income by more than 30% constitutes a prima facie case of fraud," sabi ng BIR.

Ayon sa BIR, kabilang lamang sa naging kliyente ni Gan sina Piolo Pascual, Derek Ramsay, John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.