SUPERAL-PIX-copy-550x367

INCHEON– Susubukan ni globe-trotting Princess Superal na mas paangatin ang level ng kanyang susunod na laro kung saan ay pangungunahan nito ang kampanya ng Pilipinas sa golf na magsisimula ngayon sa 2014 Asian Games sa Jack Nicklaus-designed Dream Park Golf Club.

“I’m excited to play,” nakangiting sinabi ni Superal na dumating sa clubhouse kahapon sa ganap na alas-10:00 ng umaga kasama ang teammates na sina Miya Legaspi at Pauline del Rosario para sa final practice round.

Malaki naman ang inaasahan para sa 17-anyos na si Superal na mayroong pitong mga panalo sa season na ito, kabilang na ang prestihiyosong US Girls Amateur championship.

National

Andas ng Jesus Nazareno, tinutulak na lang!

Si Superal, isa sa top golfers na inisponsoran ng International Container Terminal Services Inc. (ICTSI), ay sariwa pa mula sa one-week break kasunod sa back-breaking run ng 11 linggo sa paglalaro ng golf tournament sa Asia at United States.

Matapos maglaro ng siyam na events sa US, nakita sa aksiyon si Superal sa World Amateur sa Japan at tournament sa Thailand. Dapat sana’y maglalaro ito sa Malaysia sa susunod na lingoo bago nagdesisyon si women's national coach Bong Lopez na bigyan ng mas kinakailangang pagkakataon ang kanyang ward.

“Hindi na niya maramdaman ‘yung kamay niya,” saad ni Lopez, binigyan kredito sa kanyang pagkakabuo ng petite golfer tungo sa world-class performer.

Inamin ni Superal na nakaramdam siya ng pagkapagod sa ‘di paglalaro ng golf at ‘di paghawak sa kanyang clubs sa loob ng tatlong sunod na araw simula nang umuwi ito noong nakaraang linggo. Namalagi naman sa sumunod na araw upang magpraktis.

Sinabi nito na mataas ang kanyang kumpiyansa at naniniwala siya na ang kanilang tsansa ay lalalim kung paano sila mag-a-adjust sa smooth, sleek surface ng putting green.

“The greens have a lot of slopes. It’s even harder to putt downhill,” saad ni Superal na ilang beses namalagi sa practice green bago ang teeing off.

Pinamunuan nina Legaspi at Superal ang two-gold medal sweep para sa Pilipinas sa nakaraang taong Southeast Asian Games sa Myanmar.

Sa katatapos na World Amateur, tumapos ang women’s squad sa ika-10 sa unahan ng Japan, subalit nasa likuran ng third-placed South Korea. Tumapos si Superal sa ika-17 sa individual category.

Ang 7,000-plus yard golf course ay kinapalooban ng narrow fairways, long grass at large, undulating greens na magbibigay ng pagsubok sa region’s top golfers.

Nasa hanay din sa tugatog ng tagumpay ni Superal ay ang men’s squad sa pangunguna ng 17-anyos prodigy na si Rupert Zaragosa, ang reigning national amateur champion.

Makakasama ni Zaragosa ang SEA Games teammate na si Justin Quiban, ang pinakamatanda sa edad na 18, 17-year-old Raymart Tolentino at Kristoffer Arevalo, ang pinakabatang athlete sa 150-man national delegation sa edad na 15. - Rey Bancod