Idinaraos ng bansa ang National Maritime Week sa Setyembre 22-28, 2014, upang itampok ang mga pagsiskap ng maritime at seafaring industry sa pagtulong sa paghubog ng domestic shipping sa global competitiveness, pati na narin ang pagpuri sa tungkulin ng mga mandaragat na Pilipino sa pambansang kaunlaran at sa pandaigdigang kalakalan.
Ang Maritime Industry Authority (Marina), kasama ang Philippine Coast Guard, Philippine Ports Authority, ang nangunguna sa selebrasyon na may temang “IMO Conventions: Effective Implementation”. Ang IMO ay isang London-based International Maritime Organization, na isang specialized agency ng United Nations na may 169 member-state, kabilang ang Pilipinas. Naitalaga ang Marina sa Republic Act (RA) 10635 noong Marso 13, 2014, bialng single maritime administration na susubaybay sa training at certification ng Filipino seafarers.
Ang National Maritime Week ay bilang pagtugon sa IMO Circular 1884 noong Hulyo 11, 1996, na umaatas sa lahat ng member-state na ipagdiwang ang World Maritime Day bawat taon. Ang Pilipinas, sa bisa ng in Presidential Proclamation. 886 noong Setyembre 6, 1996, idineklara ang huling Biyernes ng Setyembre ng bawat taon bilang National Maritime Day (NMD). Idineklara sa bisa ng Proclamation 1094 noong 1997 ang huling Linggo ng Setyembre ng bawat taon bilang National Seafarers’ Day (NSD), kung saan tumagal ang NSD at NMD bilang sanlinggong selebrasyon.
Ang apat na sector ng local maritime industry - domestic shipping, overseas shipping, shipbuilding and ship repair, at maritime manpower development – pati na rin ang industry partners at ang akademya ay lalahok sa mga aktibidad ngayong taon, na napapalooban ng 19th National Seafarers’ Day, 2nd Expanded ASEAN Seafarers’ Training on Counter-Piracy, paggawa ng mga parangal sa outstanding seafarers at kanilang mga pamilya, pagkilala para sa top shipping principals at manning agencies, kasabay ng paghihip ng mga trumpeta sa pangunguna ng Coast Guard, paglilinis ng mga dalampasigan at mga daungan, may variety show sa pangunguna ng Women in Maritime Philippines, isang workshop hinggil sa RA 10635, may boodle fight sa Seafarers’ Welfare Fund headquarters, paglulunsad ng courier service, may malaking parada at pa-raffle, bloodletting, at misa.
Tumutulong ang local shipping industry sa pananatiling nakalutang ang ekonomiya sa pamamagitan ng remittances mula sa mga seafarer. Noong 2013, saklaw ng sea-based sector remittances ang 22% ng total dollar remittances ng overseas Filipinos. Ang Pilipinas ang pangunahing supplier ng maritime labor sa buong daigdig. Saklaw ng seafarers – ang “sailing ambassadors” ng bansa – ang mahigit 400,000 ng 1.2 milyong marinero sa buong mundo. Halos lahat ng shipping company ang kumukuha sa kanila dahil sa sipag, dedikasyon sa tungkulin, matiisin, matapat, maamo, at disiplinado.