HINDI puwedeng pigilan si Jake Cuenca sa gagawin niyang pag-aaral ng acting sa Lee Strasberg Theatre and Film Institute sa New York. Kahit bigyan pa raw siya ng bidang role sa pelikula man o sa telebisyon, mas pipiliin niya ang pag-aaral.
Lahad ng aktor, sariling pera niya ang gagastusin para sa pag-aaral niya. Humingi siya ng permiso sa Star Magic para sa isang buwan niyang pananatili sa New York. “May naipon na rin naman ako kahit papaano kaya ito ang gagamitin ko. Nagsisimula pa lang ako noon, eh, plano ko na talagang mag-aral,” sabi ng aktor.
Tiyak na magagamit din naman agad ni Jake ang anumang matututuhan niya sa pag-aaral niyang ito. Pati nga raw ang kaibigan niyang si Paulo Avelino ay biniro raw siya na kailangan niyang ituro sa kanila ang anumang matututuhan niya roon.
Binanggit ni Jake na si Ms. Cherrie Gil ang nagbigay sa kanya ng idea na mag-aral sa nasabing acting school, dahil ang anak ng aktres ay nabigyan din ng pagkakataon na mag-aral sa nabanggit na eskuwelahan.
“She’s taking up acting in the States talaga. Siya naman years and years of studying acting so ang sinabi niya sa akin nu’n, we’re doing pa Ikaw Lamang, if I am going to study acting in the States, eh, dapat daw I should go to Lee Strasberg,” sey pa ni Jake.
Kailangan daw kasi niyang lawakan pa ang mga kaalaman niya sa pagganap.
“I just want to widen my perspective when it comes to acting. I just want to keep on mastering my craft. I want to give everyone a new performance that they’ve never seen before. I’ve done everything na eh,” sey pa rin ni Jake.