Pahihintulutan na muli ang mga bagong tanggap na overseas Filipino workers (OFW) na bumalik sa Israel at West Bank matapos ianunsiyo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) noong Martes ang pag-alis sa deployment ban sa dalawang rehiyon kahapon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Labor and Employment secretary at POEA governing board chairperson Rosalinda Baldoz na ito ay nakapaloob sa dalawang magkahiwalay na resolusyon, na inilabas nila batay sa desisyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ibaba ang crisis alert level sa Israel at West Bank sa 1 o precautionary phase.

Sinabi niya na sa bagong resolusyon, pinapayagan na ngayon ang mga OFW na magtrabaho sa dalawang estado.

“We are now allowing the processing and deployment of returning OFWs there (Gaza Strip), subject to compliance with documentary requirements,” ani Baldoz.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Gayunman, pinayuhan niya ang mga Pinoy sa Gaza Strip, nasa ilalim ng crisis alert level 2 o restriction phase, na manatiling mapagmatyag. “Stay alert and monitor the events in those areas. If you feel that your security and safety is compromised, you can always go to the Philippine Embassy and our Philippine overseas Labor Office (POLO),” ani Baldoz. - Samuel Medenilla