Marami pang dapat na talakayin sa usapin ng Bangsamoro Basic Law (BBL) bago ito maging ganap na batas.

Ayon kay Senator Ferdinand “Bong” Marcos Jr., chairperson ng Senate Committee on Local Government, kabilang sa maiinit na paksa ay ang usapin ng police power at wealth sharing.

Sa konsultasyon ng kinatawan ng mga apektadong sektor at gobyerno, lumabas na hindi malinaw ang nakasaad sa BBL tungkol sa mga nabanggit na isyu.

Aniya, mahalagang himayin muna ang lahat ng bahagi nito, para matiyak na hindi na magkaroon pa ng panibagong kaguluhan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ni Marcos na sa usapin ng police power ay hindi malinaw kung ano ang magiging papel ng bubuuing sariling pulisya ng BBL, habang sa wealth sharing ay hindi rin natukoy kung magkano ang magiging hatian ng bawat lalawigan o bayan na saklaw ng isinusulong na batas.

Aniya, magsasagawa pa sila ng konsultasyon sa iba’t ibang lugar para matiyak na magiging maayos ito.

Sakaling maaprubahan ang BBL, tuluyan nang malulusaw ang Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).