Nag-inhibit si Taguig City Regional Trial Court (RTC) Branch 271 Judge Paz Esperanza Cortes sa kasong serious illegal detention na isinampa ni TV host-actor Vhong Navarro laban kina Deniece Cornejo, Cedric Lee at Zimmer Raz nitong Martes.

Unang naghain ng motion for inhibition ang kampo ni Navarro kasunod ng desisyon ni Cortes na payagang magpiyansa ng tig-P500,000 sina Cornejo, Lee at Raz para sa kanilang pansamantalang paglaya.

Hanggang kahapon, inaantabayanan na ni Alma Mallonga, abogado ni Navarro, na maisagawa ang raffle para sa bagong judge na hahawak naman sa kaso at didinig sa kanilang hirit na bawiin ang piyansa ng tatlong akusado.

Ayon kay Mallonga, hindi sila namemersonal at nananatiling mataas ang respeto nila kay Cortes. Kumpiyansa itong matibay ang kanilang mga ebidensiya laban tatlong akusado.

National

LPA sa loob ng PAR naging bagyo na, pinangalanang ‘Nika’

Samantala, nagulat ang kampo nina Cornejo, Lee at Raz sa pag-inhibit sa kaso ni Cortes ngunit kanilang nirerespeto ang naging desisyon ng hukom.