KITAKAMI CITY, Japan— Isinara ni Danilo Fresnido ang kampanya ng Pilipinas sa 18th Asia Masters Athletics Championships ditto sa pamamagitan ng pagwawagi ng ikatlong gintong medalya sa javelin throw na taglay ang bagong record.

Itinakda ni Fresnido ang bagong Asian Masters record sa kanyang naihagis na 60.48 meters sa kompetisyon para sa veteran athletes 40-years old, kung saan ay nakahanay niya para sa unang gold si Erlinda Lavandia, ang legendary figure sa Asian Masters, sa javelin throw event para sa women 60-64 years old.

Napagwagian din ni Emerson Obiena ang gold sa 45-year old men’s pole vault event.

Ang nasabing tatlong gold medals ang pumarehas sa koponan na mayroon lamang 22 athletes na ang pagbiyahe ay posibleng naisakatuparan sa suportang ibinigay ng El Lobo Energy Drink, San Miguel Corporation, Petron, Sportscore, L-Time Studio, Soma, Accel , PCSO, PSC at POC.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ipinagkaloob nina team leaders Ariel Paredes at Paul Ycasas ang kanilang performance sa namayapang si Manny Ibay, pinamunuan ang National Masters at Seniors Athletics Association of the Philippines (NMSAAP).

Nagwagi rin ang koponan ng 2 silver at 5 bronze medals.

Ang silver medals ay nasa kortesiya rin ni Lavandia sa discus at hammer throws.

Ang bronze medals ay mula kina Victorina Calma, Len Punelas, Salve Bayaban at Jeanette Obiena sa 4x100 Meters (W-40) at John Lozada, Julio Bayaban, Emerson Obiena at Edward Kho sa 4x400 Meters (M-40).