Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ang kanilang piling tauhan ng pulisya na tinaguriang “honesty team” para tutukan ang mga bugok na police.

Kasabay nito palalakasin pa ng PNP ang kanilang programa sa matatapat na pulisya.

Sinabi ni PNP- PIO Director, Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, muling ipakakalat ang mga “police honesty team” para tiktikan ang kanilang mga kasamahan na gumagawa ng mga iligal na gawain. Naka-sibilyan ang mga itinukang pulis mula sa Directorate for Investigative Unit ng PNP.

Sinabi ng PNP-PIO na dati na nilang ginagawa ang pagpapakalat ng “honesty team” pero mas pinaigting umano nila ito ngayon dahil sa sunod-sunod na ang mga nahuhuling tiwaling pulis gaya na lamang ng mga nasa likod ng EDSA hulidap.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang pagpapakalat ng PNP ng matatapat na alagad ng batas ay kasabay ng pagsusulong na isailalim sa lifestyle check ang mga pulis.