EUGENE-Domingo1

TINAWAGAN kami ng isang taong minsan ay naging kaibigan daw ni Eugene Domingo nang lumabas ang reaksiyon niya tungkol sa pagkaroon ng 20 year-old boyfriend ni Ai Ai delas Alas.

Ayon sa caller namin, nagulat naman daw siya sa reaksiyon ni Eugene. Hindi kasi niya inaasahan na masa-shock ang host ito sa lovelife ni Ai Ai.

“Sa totoo lang, gaya-gaya rin naman si Eugene sa kaibigan niyang si Ai Ai. Bakit niya sasabihing hindi niya kayang magmahal ng isang lalaki na mas bata sa kanya na sa totoo lang naman, eh, nagkaroon din naman siya noon ng guy na mas bata sa kanya,” kuwento pa sa amin.

Eleksyon

Vic Rodriguez, pamumunuan ang 'tunay na oposisyon' sa senado

Dagdag pa ng source, nagkaroon din noon ng “special friend” si Eugene na isang bagets na higit na mas bata sa kanya, bagamat hindi naman din nagtagal ang special friendship ng dalawa.

“Paano may mga nabuko siguro si Eugene sa lalaking ‘yun kaya humiwalay agad siya,” sey pa ng kausap namin.

Sabi pa ng source namin, may malaking kaibahan din naman sina Ai Ai de las Alas at Eugene Domingo pagdating sa pag-ibig. Si Eugene daw ay pinag-aaralan muna ang guy, sinasakyan muna ang mga kapritso pero madali namang natutuklasan ng komedyante ang totoong intensiyon ng manliligaw.

Kuwento pa ng source namin, kung kayang-kaya ni Ai Ai na gumastos ng milyones sa boyfriend ay hanggang barya lang ang kayang pakawalan ni Eugene, huh!