ISA ring documentarist si Rhea Santos, kaya tama lang na siya ang nag-host sa grand presscon ng Cine Totoo Philippine International Documentary Film Festival.

Isang magandang move ng GMA News TV ang pagsasagawa ng first ever documentary festival, na nagsimula nang ipalabas kahapon, September 24, ang entries for competition sa SM Megamall, SM Manila at Trinoma Mall. Mapapanood ang 11 entries from filmmakers from all over the country, with Joseph Laban (producer ng award-winning Front Row ng GMA News TV), as the festival director. Tatagal ang showing hanggang September 30, ang screening time ay tuwing  6:30 PM and 8:45 PM sa mga sinehang nabanggit.

Ipinakita sa presscon ang mga trailers ng documentaries na may one hour screening time, ang: Agbalbalitok (The Gold Prospector) ni Ferdinand Balanag; A Journey to Haifa by Nawruz Paguidopon; Ang Gitaristang Hindi Marunong Mag-skala ni Sigfreid Barros-Sanchez; Ang Walang Kapagurang Paglalakbay ng Pulang Maleta ni Richard Legaspi, Gusto Nang Umuwi ni Joy by Jan Tristan Pandy, Kung Giunsa Pagbuhat ang Binisayang Chopsuey (How To Make A Visayan Chopsuey) by Charliebebs Gohitia, Komikero Chronicles bv Keith Sicat; Mananayaw by Rafael Froilan; Marciano by Ivy Rose Universe Baldoza; Migkahi e si Amey te, Uli ki pad (Father Said, Let’s Return Home) by Nef Luczon at Walang Rape Sa Bontok by Carla Samantha Ocampo.

Ang bawat entry ay binigyan lamang ng P150,000 grant at bahala na ang filmmakers kung paano nila pagkakasyahin ang budget na iyon.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Mayroon ding Southeast Asian Section ang Cine Totoo at ang entries ay ang War is a Tender Thing ni Adjani Arumpac (Philippines); Denok and Gareng ni Dwi Sujanti Nugraheni (Indonesia); Once in a Lifetime: A Russian Song for Guluan ni Misha Anissimov (Philippines); By The River ni Nontawat Numbenchapol (Thailand); Boundary ni Nontawat Numbenchapol (Thailand); To Singapore With Love ni Tan Pin Pin (Singapore) at The Songs of Rice ni Uruptong Raksasad (Thailand).

Ang Philippine section documentaries ay maglalaban sa top three awards na Best Documentary Film, Special Jury Prize at Audience Choice Award.  Tatanggap sila ng trophies at cash prizes.  Isa lamang sa seven participants sa Southeast Asian section ang tatanggap ng Best Southeast Asian Documentary award. Gaganapin ang awards night sa Resorts World Cinema sa October 2.

Labis ang pasasalamat ng filmmakers sa move na ito ng GMA News TV dahil matagal na raw nilang pangarap na magkaroon ng ganitong festival na puwede nilang salihan.  Kaya ayon kay Nessa Valdellon, Channel Head ng GMA News TV, gusto rin nilang makilala naman ang susunod na generation ng documentary directors and producers sa pamamagitan ng Cine Totoo, na magpapakita ng kanilang mga documentaries na may unique point of view, kahit ang kanilang mga personal stories.

Para sa mga updates tungkol sa Cine Totoo, pwede ninyong bisitahin ang Facebook nila, www.facebook.com/cinetotoo) at Twitter (www.twitter.com/cinetotoo)