Umalis kahapon ang ikalawang pinakamaling bulto ng pambansang atleta na lalahok sa 17th Asian Games sa Incheon, Korea.

Nangako ang mga atleta na gagawin nila ang lahat upang makatulong sa pambansang delegasyon na makapag-ambag ng medalya.

Samantala, habang sinusulat ang balitang ito, nakatakdang sumagupa para sa tinatarget na unang gintong medalya sa Men's Sanda -60kg event ng wushu si Jean Claude Saclag kontra kay Hongxing Kong ng China.

Nakasisiguro na si Saclag ng pilak na medalya na ikalawa lamang ng Pilipinas matapos na magwagi ang kasamahan nitong wushu artist na si Daniel Parantac sa Men’s Taijiquan.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Mayroon na rin dalawang tanso ang delegasyon mula kina Divine Wally at Francisco Solis mula din sa Sanda event.

Patuloy pa ring nangangapa ang bansa sa paghukay ng medalya matapos na mabigo ang mga atleta na mula sa bowling, rowing, lawn tennis at swimming.

Tanging ika-19 at ika-30 puwesto lamang ang naabot ng mga pambato ng Pilipinas sa Women’s Singles sa bowling na may kabuuang 38 kasali.

Inokupahan ni Marie Alexis Sy ang ika-19 na puwesto mula sa 186-171-195-183-211 para sa kabuuang 946 pinfalls habang ika-30 naman si Anne Marie Kian na may 207-148-178-191-155 para sa kanyang 879 pinfalls.

Ikalima din ang Philippine flag bearer na si Geylor Coveta sa Mistral-Men's Windsurfer-Race 1 sa sailing sa Wangsan Sailing Marina. Nasa ikaapat na puwesto naman si John Harold Madrigal sa RS:X- Men's Windsurfer–Race 01. Magbabalik sa aksiyon ang dalawa para makumpleto ang apat na yugtong event.

Tumapos naman sa 6th place ang tambalan nina Edgar Ilas at Nestor Cordova sa itinalang 1:44.32 sa 500m; 3:39.15 sa 1000m; 5:34.59 sa 1500 at 7:36.03 sa 2000m sa Lightweight Men's Double Sculls Final A sa Chungju Tangeum Lake Rowing Center.

Ikapito lamang si Benjamin Tolentino Jr. sa itinalang 1:50.50 sa 500m; 3:44.56 sa 1000m; 5:38.95 sa 1500m at 7:35.98 sa 2000m sa Lightweight Men's Single Sculls Final B sa Chungju Tangeum Lake Rowing Center.

Hindi din nakuwalipika sa kampeonato si Jessie Khing Lacuna sa Men's 100m Butterfly-Heat 1 matapos itong tumapos na ikaapat sa isinumiteng 55.18 segundo.

Nagawa namani ni Jasmine Alkhaldi na tumapos sa ikaapat sa Women's 200m Freestyle-Heat 3 sa itinalang 2:02.84 subalit nagkaysa lamang sa ikasiyam na puwesto at nakareserba lamang para sa finals.

Ikaapat lamang din si Joshua Hall sa Men's 100m Breaststroke-Heat 2 sa itinalang 1:03.26.

Nagawa naman magwagi ni Patrick John Tierro sa Men's Singles First Round ng Lawn Tennis kontra kay Ho Tin Marco Leung ng Macau sa loob ng 58 minuto, 6-2. 6-1, subalit nabigo naman sa women's Singles Second Round Si Denise Dy kontra kay Misa Eguchi ng Japan. 3-6, 0-6.