Ilalabas lahat ngayon ni London 2012 Olympics veteran Mark Anthony Barriga ang kanyang lakas sa kanyang debut bout sa 17th Asian Games sa Incheon, Korea kontra kay Syria’s Hussin Al-Marin sa light flyweight division habang makakatagpo ni flyweight Ian Clark Bautista si Jordan’s Cuban-trained top bet Abdallah Maher Mohammad Shamon sa Seonhak gymnasium.
Target naming makapaghiganti ni light welterweight Dennis Galvan laban kay Kazakhstan’s Battarsukh Chinzorig, tinalo ang Filipino sa President’s Cup sa Almaty noong nakaraang Hulyo. Nakatakda rin ang laban ngayon.
Aakyat rin sa ring ngayon si middleweight Wilfredo Lopez. Makakaharap nito si Turkmenistan’s Azizbek Achilov.
Makikita naman sa aksiyon ang country’s bets sa women’s division na sina Josie Gabuco at Nesthy Petecio sa Sabado.
Makikipagsabayan ang dating world champion na si Gabuco kay Chinese Taipei’s Lin Yu Ting bilang kanyang unang opponent habang magpapalitan ng suntok sina Petecio at Kazakhstan’sGulzhaina Ubbinizayova sa unang pagkakataon sa kanilang careers.
“It’s not a shabby draw,” pahayag ni men’s team head coach Nolito Boy Velasco. “As I have said, our boxers are not focusing on the draw. They’re prepared to take on anybody here.”
“The draw is also fair to all. It was done manually, no machine intervention like in other previous draws,” dagdag nito.
Hangad ng Pilipinas na malagpasan ang 1-1-1 medals nina Rey Saludar, Annie Albania at Victor Saludar na kanilang napasakamay sa boxing noong 2010 sa Guangzhou.