Ipinagtanggol kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Children’s Road Safety Park ng ahensiya matapos na ang miniature footbridge nito, na magtuturo sana sa mga bata tungkol sa kaligtasan sa kalsada, ay tinawag na “weirdest project in the world.”

“The Children’s Road Safety Park is a project that aims to teach our younger generation the ways and importance of obeying traffic rules and regulations. That genuine purpose is far from stupidity,” saad sa pahayag ng MMDA sa social networking site account nito.

Kumalat sa Internet ang litrato ng isang mini-footbridge at nagtrending pa sa social media.

Isang netizen, na nagpaskil sa litrato ng mini-footbridge, ang nagbansag dito na “weirdest projects in the world.”

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“Only in the Philippines. We didn’t only waste money, but made us look dumb in the International Engineering Community,” saad pa sa post.

Ang nasabing mini-footbridge ay isa lang sa mga miniature structure na tampok sa Children’s Road Safety Park, na nasa Adriatico Street at Quirino Avenue, na rito matututo at mauunawaan ng mga bata ang pangunahing traffic rules habang naglalaro. Pinangangasiwaan ito ng MMDA. - Anna Liza Villas-Alavaren