IPINAKILALA na ang The Amazing Race Philippines Season 2 contestants noong Lunes ng gabi sa press launch na ginanap sa Genting, Resorts World.

Ang masusuwerteng nakapasa sa audition ay ang sexy besties na sina RR Enriquez at Jeck Maierhofer; blonde sisters Tina at Avy Wells; chefs Eji Estillore at Roch Hernandez; dating couple Matt Edwards at Phoebe Walker; Juan Direction hunks Charlie Sutcliffe at Daniel Marsh; ang mag-amang AJ at Jody Capili; nerds na sina Vince Aguilar at Ed Chong; travel buddies Zarah Evangelista at Osang Dela Rosa; ang mga Mr. Pogi na sina JP Duray at Kelvin Engles; ang magkapatid na Jet at Yna Cruz; at Pinay world champs Gretchen Albaniel at Luz McClitton.

Bongga ang premyo ngayong season 2, dalawang milyong piso, dalawang SUV (Kia Sportage), at dalawang bahay at lupa.

Mapapanood na ang Amazing Race Philippines Season 2 sa Oktubre 6, Lunes, 7:30 PM, sa TV5 handog ng Rexona sa suporta ng PLDT Home Telpad, Summit Natural Drinking Water, Kia, RCD Royal Homes at ng Resorts World Manila.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang chef partners na sina Eji at Roch lang ang nagsabing ramdam nilang pasado sila sa audition kumpara sa iba na hindi inasahang makakapasa sila kaya naman sobrang tuwa nila na nakapasok sila.

Pamilyar si Pinay wrestler Luz dahil dati na siyang napanood sa Bahay ni Kuya, “Yes, I was (there) sa Bahay ni Kuya for three and a half months, I almost made it but still (na-evict),” aniya.

Nasubukan na nina Jet at Yna na mag-audition sa unang season ng TAR pero hindi pinalad, “Pangalawang try na pa namin ito, nag-try kami sa una but we did not make it, ako po sobrang fan ako ng Amazing Race, never kong na-realize that we could get in.”

Hindi namin nakilala agad si RR Enriquez na sumobra yata ang pagpapayat at umaming sumali siya dahil gusto niyang mapanalunan ang bonggang prizes at para malagay sa Facebook at Twitter profile niya na nanalo siya sa TAR tulad ni LJ Moreno.

Iba naman ang plano ng magkaibigang nerds na sina Vince at Ed, na parehong nagtapos bilang summa cum laude at magna cum laude, sa dalawang milyong mapapanalunan dahil ido-donate raw nila sa charity, “para makapag-aral ‘yung mga kids sa Payatas,” sabi ng magkaibigan.

Mukhang maganda ang ikalawang season ng The Amazing Race Philippines dahil maraming kakaibang eksenang ginawa ang contestants, tulad ng pag-aaway ng dating couple na sina Matt at Phoebe na umabot pa sa pisikalan at ‘buti na lang hindi sila naghiwalay during the contest, may mga nagmumurahan pa at talagang sigawan to the max.

Inamin sa amin ni Derek na mas exciting nga itong second season, “kasi mas maraming nangyari at magagaling sila, natuto na kasi sila sa first.”

Ang gaganda ng mga lugar na pinuntahan lalo na ‘yung nasa white sand sila sa gitna ng dagat at tinanong namin ang TV host/actor kung saan ‘yun, “Hindi ko puwedeng sabihin, ten million (pesos) ang damage kapag sinabi ko,” nakangiting sabi niya sa amin.