Regine-Velasquez-copy

MULING mamimigay ang PLDT Gabay Guro (2G) ng incentives sa mga gurong dadalo sa grand gathering ng Filipino teachers sa SM Mall of Asia Arena, October 5 (Linggo).

Sa grand presscon na inihandog ng 2G, inihayag ni PLDT Gabay Guro Chairman Chaye Cabal-Revilla na muli silang nakipag-partner sa Vista Land para sa brand new house and lot sa Camella, sa AutoItalia para sa brand new APE 3-wing van, PR Savings Bank for the motorcycle at sa Honda Phils. Inc. for the panghanapbuhay na tricycle. Mamamahagi rin sila ng livelihood program packages and cash gifts.

Dagdag ding kasiyahan sa mga guro (na last year ay almost 20,000 ang dumating) ang pagdalo ng showbiz celebrities.  Kung last year ay narinig lamang ng nila ang Gabay Guro tribute song na Believing in Me (composition ng mag-asawang Raul at Cacai Mitra at recorded by Regine Velaquez-Alcasid), this year, for the first time ay dadalo sa celebration ang Asia’s Songbird.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Labor of love o libreng nilikha nina Regine, Raul at Cacai ang naturang awitin para sa mga guro.

Inawit din ito ni Regine sa PLDT 2G campaign nila sa US Freedom Concert tour last June.

Patuloy na dumarami ang mga artistang nagmamalasakit sa mga guro dahil nangako ring darating sina Pops Fernandez, Alice Dixson at Matteo Guidicelli. Perennial nang performer si Derek Ramsay sa 2G at second year naman ni Ryzza Mae Dizon.

Two years nang dumadalo si Marian Rivera sa 2G, pero this year, she cordially begged-off muna at naintindihan naman nila dahil busy ang Kapuso Primetime Queen sa paghahanda para sa kanyang wedding. Pero tiyak na marami pa ang dadalong celebrities para magbigay kasiyahan sa mga guro.

Ang Gabay Guro ay bahagi ng corporate social responbility at education arm ng PLDT-Smart Foundation na pinamamahalaan ng executives ng PLDT Managers Club Inc. (PLDT MCI). Ini-report ni Gary Dujali, head ng marketing ng PLDT 2G, na nakapagbigay na sila ng 28 weather proof classrooms sa Tacloban na nasalanta ng bagyong Yolanda last year, at madaragdagan pa ito.

May 800 scholars sila nationwide, sa 35 partner schools nila sa Luzon, Visayas at Mindanao. Nakapagpa-graduate na sila ng 12,000 students mula sa ini-sponsor nilang 80 classes.  Marami rin silang sisimulang mga proyekto pa para sa mga guro dahil magbibigay sila ng masteral scholarships at internet café packages for teachers.

Sinimulan ang pagdiriwang ngayong taon sa pamamagitan ng charity auction gala na ginanap noong nakaraang linggo sa Manila Polo Club, sa pakikipagtulungan ng JCI Ortigas and TOYM Foundation.  Nagkaroon din sila ng tribute sa teachers sa Hong Kong last June. At nagtutungo sila sa iba’t ibang lugar sa Visayas at Mindanao na naapektuhan ng bagyong Yolanda, kasama ang ilang celebrities para magbigay ng kasiyahan sa mga tao.  Sa December, magku-conduct sila ng trainings sa Sabah at teacher’s tribute sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ngayong October, may training din sila sa Aklan, Capiz at Leyte, at sa November, mayroon ding trainings sa Cavite.  Para sa marami pang kaalaman tungkol sa Gabay Guro, bisitahin lamang ang website nila, www.gabayguro.com, sa Facebook page nilang www.facebook.com/gabayguro at sundan sila sa Twitter at Instagram @PLDTGabayGuro.