Matapos ang pagsasampa ng kasong pandarambong, katiwalian at panunuhol laban sa kanya, hinikayat ni Speaker Feliciano Belmonte Jr. si Philippine National Police (PNP) chief Director General Alan LM Purisima na magbitiw na sa puwesto.

“Naniniwala ako na dapat nang magbitiw si Purisima. Hindi ito sign of guilt subalit tungkol sa delicadeza,” ayon kay Belmonte.

Si Purisima ay kinasuhan ng plunder, graft at direct bribery ng Coalition of Filipino Consumers (CFC) matapos hindi ito nagsumite ng kanyang statements of assets, liabilities and net worth (SALN) at pagkakaungkat ng kanyang mansyon sa San Leonardo, Nueva Ecija na kanyang ideneklara sa kanyang SALN na nagkakahalaga ng P3.7 milyon.

Ito na ang ikalawang kasong plunder na isinampa laban sa hepe ng PNP.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Subalit nagkaisa sina Deputy Majority Leader Sherwin Tugna ng Citizens Battle Against Corruption, Akbayan party-list Rep. Walden Bello at Magdalo party-list Rep. Francisco Ashley Acedillo na dapat bigyan ng due process si Purisima sa gitna ng mga kontrobersiya na kanyang kinahaharap.

“I believe that the proper time for PNoy to let go of the PNP is when the CSC (Civil Service Commission) finds that there is administrative liability when it comes to non-proper filing of SALN and administrative liability for violations during his service. Absent that, the PNP chief should remain. He should be given due process and not trial by publicity,” pahayag ni Tugna.