Sinabi ni Government of the Philippines (GPH) chief negotiator Prof. Miriam Coronel-Ferrer noong Lunes na ang mapayapang pagdaos ng independence referendum ng Scotland ay nagbibigay ng maraming kaalaman na dapat matutuhan ng Pilipinas sa pagtatatag ng Bangsamoro.

Ito ang pahayag ni Coronel-Ferrer matapos bumoto ang Scotland kontra sa kalayaan mula sa United Kingdom of Great Britain noong Setyembre 19 sa makasaysayang referendum na binansagan ng mundo na “peaceful revolution” at “triumph of democracy.”

Ayon kay Coronel-Ferrer, anuman ang kalalabasan ng botohan, ang punto ay ang pagpapahayag ng makabansang hangarin para sa kalayaan at pagtityak sa kagustuhan ng mamamayan ng Scotland, at walang kailangang magbuwis ng buhay.

“The political predicament (in Scotland) was settled through the vote. People’s support were courted through reason and arguments,” ani Coronel-Ferrer.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“To be sure, the campaign went full swing with all the trappings of a political contest. But balloons and barnhopping, not bombs and bullets marked the campaign. Debates and dialogues brought forth the best arguments for and against independence,” dagdag niya.

Binigyang diin din ng chief negotiator ang mapayapang proseso ng Scottish referendum na nagbibigay ng mahalagang aral ngayong kumikilos ang Philippine Congress tungo sa pagsasabatas sa Bangsamoro.

Sinabi niya na mahigit 100,000 katao ang kinailangang mamatay at milyun-milyon ang naitaboy sa kanilang mga tirahan sa gitna ng armadong pakikibaka ng nasyonalismong Moro.

“May this violence be truly a thing of the past,” aniya. (Francis T. Wakefield)