Natigib na ang tagtuyot ng Pilipinas sa medal standings sa ginaganap na 17th Asian Games sa Incheon, South Korea, makaraang makakuha ng podium finishes ang mga atleta ng wushu.

PARANTACNasungkit ni Daniel Parantac ang silver medal sa men’s taijiquan event, habang nakasiguro na ng tigisang bronze medal sina Claude Saclag at Francisco Solis makaraang umabante sa semifinals ng sanda event.

Nagkampeon sa kaparehong event noong 27th Southeast Asian Games sa Myanmar noong nakaraang taon, nakuha ni Parantac ang ikalawang puwesto nang magtala siya ng 9.68 puntos, .10 lamang sa likuran ng gold medalist na si Chen Zouli ng China.

Si Nyein Chan Ko Ko ng Myanmar ang pumangatlo para sa tansong medalysa sa kanyang iskor na 9.65.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Samantala, dinomina naman nina Saclag at Solis ang kanilang mga nakalaban sa sanda event.

Isang malakas na left hook ang pinakawalan ni Saclag sa ikalawang round upang dispatsahin si Hendrik Tarigan ng Indonesia, 2-0, sa -60kg category. Hindi naman pinaporma ni Saclag ang nakalaban mula Hong Kong na si Wang Ting, 2-0, sa -56kg class.

Ang pagkapanalo nina Saclag at Solis ang nagsiguro sa kanila ng bronze medal sa kanilang pagsabak sa semifinals.