Setyembre 24, 1972 nang kinilala ng National Historical Commission ang National Historical Institute (NHI), sa bisa ng Presidential Decree No. 1 ni Pangulong Ferdinand Marcos. Ang ahensiya ay responsable sa conservation at preservation ng mga makasaysayang pamana.

Ang NHI, ngayon ay National Historical Commission of the Philippines (NHCP), ay itinatag kasunod ng pagbuwag sa ilang ahensiya ng gobyerno na may kaparehong trabaho. Noong 1930s, nilikha ng gobyerno ang iba’t ibang ahensiya na mangangasiwa sa pangangalaga sa Philippine antiquities at iba pang historical at cultural events. Isa sa forerunner ng NHI ay ang Philippine Historical Research and Markers Committee, nilikha noong 1933, na inatasang tukuyin, markahan, at italaga ang mahahalagang antiquities ng bansa.

Ang NHCP ay kasalukuyang nagsasagawa ng pananaliksik at paglilimbag ng Philippine historical works, pinangangasiwaan ang mga makasaysayang lugar at istruktura sa bansa at ang memorabilia ng mga pambansang bayani, at pangangalaga sa mga movable at immovable objects na makasaysayan.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon